Pananaliksik: Paggamit ng Epikong Pilipino na sumasalamin sa mga Teleserye ( Ika-apat na Kabanata)

KABANATA 4

                                   Presentasyon at interpretasyon ng mga Datos                                 

            Ipinapakita sa kabanatang ito na may paksa na “Ang Paggamit ng Epikong Pilipino na sumasalamin sa mga teleserye” ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa Baitang 11 STEM mulsa sa pangkat Pascal. Descartes, Pythagoras, Euclid, Socrates, Demonsthenes.

Sosyo-propayl ng mga Mag-aaral batay sa kanilang edad      

Talahanayan 1.1

EDAD PRIKWENSIYA BAHAGDAN
14-15 28 46.67%
16-17 25 41.67%
18 pataas 7 11.66%
Kabuuan: 60 100%

   Ipinapakita sa talahanayan 1.1 ang sosyo-propayl ng mga mag-aaral batay sa kanilang edad.

Makikita sa talahanayan na halos sa mga respondente na sumagot sa kanilang edad na labing apat hanggang labinlima (14-15) , ito ay may 46.67% na mga kalahok samantalang sa labing anim hanggang labing pitong gulang (16-17) ito ay may 41.67% na mga kalahok at ang labing walang gulang at pataas (18-pataas) naman ay may 11.66% na kalahok na nangangahulugan lamang na karamihan sa mga mag-aaral sa Baitang 11 STEM  ay may edad na labing-apat hanggang labinlimang taong gulang ang may pinakamataas na bahagdan ng sumagot sa talatanungang inilahad ng mga mananaliksik.

Sosyo-propayl ng mga mag-aaral batay sa kanilang kasarian.

Talahanayan 1.2

KASARIAN PRIKWENSIYA BAHAGDAN
Babae 34 56.67%
Lalaki 26 43.33%
Kabuuan: 60 100%

 Makikita sa talahanayang ito ang sosyo-propayl ng mga mag-aral batay sa kanilang kasarian.

 Ipinapakita sa talahanayan 1.2 na karamihan sa mga kalahok ay babae. Ito ay mayroong 56.67% na may bilang na tatlumput’ apat(34) na respondente nangangahulugan lamang na mas kaunti ang mga lalaking mag-aaral na sumagot sa talatanungan, ito ay may 43.33% na may bilang na dalawampu’t anim (26) na mga respondente sa Baitang 11 Stem ng Biñan Integrated National High School.

Teleserye at Istasyon ng telebisyon na kinahuhumalingan ng mga manonood mula sa Baitang 11 STEM

Talahanayan 2.1

TELESERYE PRIKWENSIYA BAHAGDAN
Indio 10 16.67%
Amaya 11 18.33%
Bagani 39 65%
Kabuuan: 60 100%

Talahanayan 2.2

ISTASYON PRIKWENSIYA BAHAGDAN
ABS-CBN 39 65%
GMA 7 21 35%
Kabuuan: 60 100%

  Sa talahanayan 2.1 ay makikita ang mga teleseryeng hango mula sa mga epiko na ipinalabas sa telebisyon na kung saan ang mga mag-aaral ay kakikitaan ng pagkahumaling.

              Sa talahanayang ito ay makikita ang pangunguna ng Bagani na nakakuha ng 32 puntos mula sa mga respondente na sinundan naman ng Amaya na mayroong 16 na puntos samantalang ang Indion naman ay nakakuha ng mababang puntos na 12 mula sa mga respondente. Makikita rin sa talahanayan 2.2 na ang estasyon ng ABS-CBN ang nanguna na mayroong 65%.  Samakatuwid, napatunayan lamang ng mga mananaliksik na ang mga manonood ay nakadepende rin sa kung saang istasyon ipapalabas ang teleserye.

Klasipikasyon/ Genre ng mga teleserye

Talahanayan 2.3

MGA PAKSA PRIKWENSIYA BAHAGDAN RANGO
Pag-ibig 29 48.33% 1
Drama 11 18.33% 2
Aksyon 7 11.67% 3
Pakikipagsapalaran 10 16.67% 4
Relihiyon 3 5% 5
Kabuuan: 60 100%  

                                              Makikita sa talahanayan 2.3 na ang mga mag-aaral mula sa Baitang 11 STEM ay nahuhumaling na   manood ng mga teleseryeng may paksang pag-ibig (48.33%). Pangalawa ang drama(18.33%) dahil ilan sa mga napapanahong teleserye ay tumutukoy sa mabibigat na eksena na kung saan gusto ng mga mag-aaral na makasaksi ng mga makatotohanang pangyayari. Sumunod naman ang aksyon (11.67%) , pakikipagsapalaran (16.67%) at ang huli at may pinakamababang bahagdan ay ang relihiyon (5%).

                                              Sa bawat teleseryeng ipinapalabassa telebisyon ay nagbibigay ng patnubay ang lupon sa pagrerepaso at pag-uuri ng MTRCB ng isang gabay para mapatnubayan ng mga magulang at guro ang mga mag-aaral. Nilalayon ng MTRCB na maging tagapatnubay sa mga manonood at hangarin nitong maintindihan ang bawat eksena at aksyon na ipinapalabas sa telebisyon.

                                              Mayroong tatlong baiting na kasalukuyang ginagamit ang MTRCB sa pag-uuri ng mga programa sa telebisyon.

G – para sa lahat ng manonood.

PG – patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.

SPG – mahigpit na patnubay at gabay ng magulang ang kailangan

                                              Sinuri at inuri nan g mga mananaliksik ang mga datos na nakalap at pansagutan na sa mga respondente.

 Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan (PG), ang teleseryeng pumaloob ditto ay ang Indio, Amaya at Bagani.

Karunungang hatid ng teleserye sa mga mag-aaral mula sa Baitang 11 STEM

Talahanayan 3.1

  AYTEM   PRIKWENSIYA   BAHAGDAN   RANGO
1. Lumalawak ang aking kaalaman sa panonood ng mga teleserye na hinango mula sa epikong Pilipino. 36 60% 1
2. Nanonood ako dahil sa nakawiwiling kagandahan ng istoryang nilalaman ng mga epikseryeng aking pinapanood. 2 3.33% 5
3. Sa panonood ng mga teleserye ay nakapagbibigay ako ng sariling opinion.   14   23.33%   2
4. Kinikilatis at inaalisa ko ang bawat teleseryeng aking napapanood. 3 5% 4
    5. Sa aking panonood ng mga epikserye nalalaman ko ang iba’t ibang Gawain, kultura at tradisyon ng mga lugar na pinanggagalingan ng epiko.     5              8.34%     3
Kabuuan: 60 100%  

                                              Makikita sa talahanayan 3.1 na nangunguna ang pagkakaroon ng bagong karunungan sa panonood ng mga teleseryeng hango sa epiko na may tatlumpu’t anim na puntos (36) na may 60%. Sumunod naman ay ang pagkakaroon ng sariling salooin o pananaw at nakapagbibigay ng mga opinion sa panonood ng mga teleserye na nagkamit ng labing apat na puntos (14) at may 23.33% na bahagdan. Samakatuwid, ang panonood ng mga teleserye ay naglalayong pukawin ang atensyon ng manonood upang magbigay ng mga bagong kaalaman at karunungan.

Kagandahang  asal na hatid ng mga teleserye sa mga mag-aaral mula sa Baitang 11 STEM

Talahanayan 3.2

  AYTEM     PRIKWENSIYA     BAHAGDAN   RANGO
6. Para sa akin, ang epikserye ay nakakawalang ganang panooin sapagkat ako’y walang interes dito. 34 56.67% 1
7. Nanonood ako ng mga epikserye dahil maganda lang ang mga visual effects na ipinapakita nito. 3 5% 4
8. Nanonood ako dahil sa nawiwili ako sa kagandahan ng theme song ng teleserye. 6 10% 3
          9. Nanonood ako ng mga epikserye dahil ito ay nakapagbibigay aliw at katatawanan.               2               3.33%               5
10. Nagagaya ko ang mga pananalita, pananamit at pagkilos ng mga napapanood sa mga teleserye.              15             25%               2
Kabuuan: 60 100%  

                    
                     Makikita sa talahanayan 3.2 nangunguna ang pagkawalang interes ng mga mag-aaral sa panonood ng mga epikserye na mayroong 56.67%. 3.33% ng mga  respondente naman ang tumugon na ang teleseryeng kanilang napapanood ay nakapagbibigay aliw o katatawanan lamangSa kabuuan, ang kawalaang interes sa mga teleserye na hango mula sa mga epiko ay nakapagdudulot ng hindi magandang pag-uugali at pagtugon sa naturang mga teleserye, nakapaghahatid ito ng mga maling impormasyon sa mga manonood na siyang nakukuha at kinagigisnan ng mga mag-aaral na manonood.

Leave a comment