Kabanata 2
Mga kaugnay na pag-aaral at literatura
2.1 Mga Kaugnay na Pag-aaral
2.1.1 Lokal na pag-aaral
Ayon kay Franco (2001) sa kaniyang pag-aaral, na marami sa mga kabataan ang gumugugol ng oras sa mga programa sa telebisyon kaysa sa pakikisalamuha sa ibang tao. Telebisyon ang pinakamaimpluwensiya sa pakikipagkomunikasyon dahil dito makikita at maririnig ang mga kwentong kapupulutan ng aral. Dagdag pa rito, ang mga pagsisikap mula sa manonood sa pamamagitan ng paghubog ng kanilang katauhan at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao.Samakatuwid, nag-uumpisa ang pakikisalamuha ng mga bata o mga kabataan sa loob ng bahay hanggang sa kanilang pagpasok at maging sa kanilang ginagalawan sa kapaligiran. Malaki man ang impluwensya ng telebisyon kailangan din maging makatotohanan para hindi sa lahat ng oras ay sa telebisyon nakatuon ang mga kabataan kundi sa mga pangayayaring nagpapamulat sa ating kamusmusan sa tamang paraan at malinang ang kanilang kasanayan. Kibilang na rin ditto ang lubos na pagkahumaling ng mga kabataan sa panonood ng mga Teleserye na may iba’t ibang klasipikasyon, dahil nakahuhumaling at nakaaakit ng atensyon ang mga teleseryeng pinapalabas sa mga telebisyon ay unti-unti itong
2.1.2 Banyagang Pag-aaral
Ayon sa pag-aaral ni Gottman,JM (2009) ang mga pamamaraang biswal tulad ng mga teleserye ay ginagawa upang makalimbag ng mga impormasyon tungkol sa kasalukuyang mga pangayayari.
Samakatuwid , hinahangad ng pag-aaral na isinagawang ito ay mabigyan ng kaliwanagan sa mga gumugulo sa isipan ng mga manonood at maging “updated” sa mga nangyayarisa loob at labas ng komunidad.
Sa pagbugso ng damdamin lalo na sa pag-iyak ng mga artista gumaganap sa telebisyon ay madaling naakit ang mga tagapanood. Sa iba’t ibang programa mas epektibo ang pag-iyak dahil ditto nakapokus ang mga manonood mula sa pangingilid hanggang sa pagbagsak ng luha. Samakatuwid, sa drama nadadala ang bawat damdamin ng mga tagapanood at nakakapagpagaan ng pakiramdam kung ito ay bumibigat na o may pinagdadaanang problema sa buhay dahil napakadrama ng mga Pilipino,
2.2 Kaugnay na Literatura
2.2.1 Lokal na Literatura
ayon kay Santos (2002) sa kaniyang aklat na “ Barayti ng pagsasalita”, nakasaad dito na ang estilo ng pananalita ng bawat indibidwal ay istandard kung maituturing. Ito ang pangunahing ginagamit sa komunikasyon upang magkaunawaan ang mga manonood at ang palabas ng mga teleserye. Samakatuwid , mahalaga itong iangkla ang lenggwaheng gagamitin upang lubos na maunawaan ng mga tagapanood ang nais na bigyang linaw o diin ng mga tauhan sa teleserye. Para sa mga bata, kailangan iangkla ang panonood upang mahubog ang kanilang kritikal na pag-iisip, pagsusulat at pakikinig sa pamamagitan ng panonood sa telebisyon. Kinokonsidera din ang edad, kasarian, tsanel , paniniwala at konsepto, upang matiyak na tama at angkop ang mga pinapalabas na telebisyon.
2.2.2 Banyagang Literatura
Ayon kay Richards (2001) sa kaniyang aklat na ‘ TV in Contemporary Asia noong 1997” nakasaad dito na malaki ang naiaambag ng mga teleserye sa atin pagdating sa industriya n gating bansa kung kaya halos sa mga kabataan ngayon ay nahuhumaling na sa kanilang iba’t ibang pinapalabas sa telebisyon. Isang matagumpay na sining sa paglikha ng mga kakaiba at magagandang estorya na pinapalabas sa mga telebisyon, na siyang kinahuhumalingan ng mga manonood at nakadepende ito sa kung anong uri ng klasipikasyon ang isinasaad ng isang teleserye. Layong bigyang pansin ang pagpapalawak pa ng paglikha ng mga teleserye ang pinagtuunang pansin sa kasalukuyang industriya ng paglikha o paggawa ng mga teleserye.