Pananaliksik: Paggamit ng Epikong Pilipino na sumasalamin sa mga Teleserye ( Ikalimang kabanata)

Kabanata 5

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

5. 1 Paglalagom

              Ayon sa isinagawang pag-aaral, ang mga sumusunod ang siyang kinalabasan o mga resulta sa nagging pag-aaral ng mga mananaliksik.

  1. Sosyo-propayl ng mga mag-aaral

a. 46.68% ng mga respondent ay may edad na labing apat at labing limang taong gulang ( 14-15) na mga mag-aaral at sila ay nasa Baitang 11 STEM ng paaralang BINHS.

b. 56.67% ng mga respondent mula sa baitang 11 STEM ay puro mga mag-aaral na lalaki

  • Antas ng interes ng mga mag-aaral sa Panonood ng mga Epikserye.
  • 65% ng mga respondent mula sa baitang 11 STEM ang tumugon na sila ay nahuhumaling sa panonood ng Bagani, isang teleseryeng hango mula sa Epikong Pilipino.
  •  65% ng mga respondente mula sa baitang 11 STEM ay nahuhumaling sa panonood ng mga teleserye sa estasyon ng channel 2 ( ABS-CBN).
  • 48.33% ng mga respondente mula sa Baitang 11 STEM ay nahuhumaling sa mga  epikseryeng may genreng Pag-ibig, sumunod naman ang genreng Drama na may 18.33%, at ng may pinakamababang bahagdan ng pagtugon ay ang genreng panrelihiyon na may 5%.
  • Antas sa Pagkatuto ng mga mag-aaral sa panonood ng mga epikserye
  • 60% ng mga respondente mula sa baitang 11 STEM, ay lumalawak ang kanilang kaalaman sa panonood ng mga epikserye, natututo sila ng mga bagay na bago sa kanilang kaalaman, sa pamamagitan din nito ay nakapagibigay sila ng sarili nilang mga opinion.
  • 3.33% ng mga respondent mula sa baitang 11 STEM ay tumugon  na, sa kanilang panonood ng mga epikserye ay nagagaya nila ang pananalita, pananamit at pagkilos ng mga karakter mula sa epikseryeng kanilang napapanood.

5.2 Konklusyon

                                              Sa kabuuang konklusyon na nabuo ng mga mananaliksik na batay sa mga tugon ng mga kalahok sa pananaliksik na ito.

  1. Una, karamihan sa mga respondente ay nasa edad labing apat at labing limang taong gulang at halos mga kalalakihan. Walang epekto ang sosyo-propayl ng mga respondent sa kanilang pagkahumaling sa panonood ng mga epikserye sapagkat maganda at kakaiba ang anggulo maging ang paggawa ng kanilang palabas na nagbubunga ng malaking “impact” sa mga manonood.
  • Karamihan sa mga respondente ay nahuhumaling sa mga epikseryeng may genreng pag-ibig. At mas sinusubaybayan ng mga respondente ang mga epikseryeng nasa estasyon ng channel 2 (ABS-CBN)
  • Huli, ang mga mag-aaral ay nakapupulot ng mga panibagong mga kaalaman sa panonood ng mga epikserye, naapektuhan din nito ang pag-uugali, ng mga mag-aaral.

5.3 Rekomendasyon

                   Batay sa mga resulta sa pagpapaliwanag, interpretasyon at paglalagom sa isinagawang pag-aaral, narito ang mga rekomendasyon ng mga mananaliksik.

  1. Iminumungkahi sa mga susunod na mananaliksik na may kaugnayan sa kasalukuyang paksa; Ang paggamit ng epikong Pilipino na sumasalamin sa mga teleserye, palawakin pa ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik upang makilalang lubos sa modernong panahon ang panonood ng mga teleseryeng hango mula sa mga epikong Pilipino.
  2. Iminumungokahi para sa mga manunulat o editor, bigyang pansin ang telebisyon para makatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
  3. Iminumungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon o sa mga guro na mas pagtuunang pansin ang mas malawak at malalim na pag-aaral ng epiko at ang mga moral na hatid nito sa kaisipan ng mga mag-aaral.

Leave a comment