Kabanata 3
Disenyo at Metodo ng Pananaliksik
3.1 Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik ay Deskriptibo dahil angkop ito sa mga estudyanteng mahilig manood ng mga epikserye sa iba’t ibang programa ng telebisyon. Ayon kay Carillo (2014), ang Deskriptibo ay isang paglalarawan na gumagamit ng mga talatanungan na tseklis. Maaring magkaroon ito ng hindi magandang epekto sa kalusugan, pag-aaral at pakikipag-ugnayan nila sa ibang tao. Ang mga pamamaraang ito ay ginawa upang makalimbag ng mga datos tungkol sa kasalukuyang nangyayari sa ating bansa.
Sinuri din ng mga mananaliksik ang kanilang kaalaman at pananaw tungkol sa epekto ng panonood ng mga epikserye, sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga Sarbey tseklis.
3.2 Populasyon
Ang kabuuang populasyon ng Baitang 11 STEM sa paaralang Biñan Integrated National High School ( BINHS) ay binubuo ng 264 na mga mag-aaral. Mayroong anim na pangkat sa baiting 11 STEM at bawat pangkat ay may sampung (10) respondente na tutugon sa mga talatanungang ipinamahagi ng mga mananaliksik. Random sampling ang ginamit na pamamaraan sa pagkuha ng mga respondente.
3.3 Paraan ng Pagpili ng Kalahok
Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay gumamit ng mga piling mag-aaral na may 20% respondenteng kasangkapan sa pananaliksik na ito mula pangkat Pascal, Descartes, Pythagoras, Euclid, Socrates at hanggang pangkat Demosthenes sa Baitang 11 STEM ng paaralang Biñan Integrated National High School (BINHS).
3.4 Deskripsyon ng mga respondente
Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay gumamit ng mga mag-aaral mula sa baitang 11 STEM ng paaralang Biñan Integrated National High School (BINHS), Upang makakuha ng impormasyon ang mga mananaliksik ukol sa paksang “ Ang paggamit ng epikong Pilipino na sumasalamin sa teleserye”.
Para makuha ang mga kinakailangang mga datos at impormasyon para sa pag-aaral na ito. Kung kaya’t ang bawat mga kwantitatibong datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa respondente ay siyang makikita sa talahanayan sa ika-apat na kabanata ng tesis.
3. 5 Instrumentong ginamit sa Pangangalap ng Datos
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey tseklis na sasagutin ng mga piling mag-aaral mula sa baitang 11 STEM mula sa pangkat Pascal hanggang Pangkat Demosthenes, upang makakalap ng mga datos.
3. 6 Paraan ng Pangangalap ng Datos
Pagkatapos na makapili ng tiyak na paksa para sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos buhat samga aklat na may kinalaman sa paksa. Ang mga mananaliksik ay nakapangalap din ng datos mula sa iba’t ibang websayt sa internet, iba’t ibang tesis na maaring iugnay sa paksa at sa Silid-Aklatan.
Matapos pagtibayin ang paksa, ito ang naging batayan ng mga mananaliksik para makabuo ng mga talatanungan, nang mabalida, mabuo at pagtibayin ang mga talatanungan, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang sarbey sa baitang 11 STEM mula pangkat Pascal hanggang pangkat Demosthenes.
3. 7 Uri ng ginamit na estadistika
Upang maipaliwanag ang mga nakuhang datos, ang mga mananaliksik ay gumamit ng:
1. Prekwensi at Bahagdan kung saan ang :
%=f/N×100
f – Prekwensi
N= kabuuang populasyon ng mga respondente
2. Pamamaraang rango, upang matukoy ang posisyon ng bawat datos at malaman kung ano ang mas nakakaangat sa tugon, na nagmula sa mga respondent.